Kung magiging lalake ako, at may girlfriend ako..
Hindi lilipas ang araw na hindi kame nag uusap. Hindi ko sya papabayaan. Hindi kame mag aaway, mag away man yung parang away bata lang. Kakantahan ko sya kahit sintonado ako. Isasayaw ko sya kahit parehong kaliwa ang paa ko. Hahawakan ko kamay nya kahit pasmado pa ito. Hindi ko sya sasakalin, kung anong gusto nyang gawin papayag ako basta tama iyon at di sya masasaktan. Ihahatid ko sya kahit gaano kalayo ang bahay nya saamin at kahit gabing gabi na.

